Ang mga katutubong wika sa Pilipinas
ay nasakop sa pamilya ng wikang Austronesian. Isa ito sa pinakamalaking
pamilya ng mga wika sa buong mundo. Ang humigit kumulang 1,000 wika (Ruhlen,
1987) na napabilang sa pamilyang ito ay ginagamit sa Indonesia, Malaysia,
Pilipinas; sa iilang lugar ng Vietnam, Cambodia, Taiwan; Madagascar; at
sa kapuluan ng Timog at Gitnang Pacifico (maliban sa Australia at ilang
lugar sa New Guinea
Ang pamilyang
Austric
Ayon kay Comrie (1987; p.15), apat
na malalaking grupo ng mga wika ang nagkatagpo sa Timog Asya: ang Indo-Aryan
sa pamilyang Indo-European, sa bandang hilaga; ang Dravidian sa katimogan;
ang Sino-Tibetan sa karatig na hilagang hangganan; at ang Austro-Asiatic.
Nang dumako siya sa Timog-Silangang Asya, idinagdag niya sa Sino-Tibetan
at Austro-Asiatic ang dalawa pang pamilya --ang Kadai (Kam-Tai) at ang
Austronesian. Inilarawan sa diagram 1 ang dibisyong ito.
Timog Asya
|
Timog-Silangan Asya
|
Indo-Aryan (Indo-European)
|
|
Dravidian
|
|
Sino-Tibetan
|
Sino-Tibetan
|
Austro-Asiatic
|
Austro-Asiatic
|
|
Kadai
|
|
Austronesian
|
Diagram 1 Ang mga pamilya ng
wika sa Timog at Timog-Silangang Asya.
Ang mga wika sa Timog-Silangang Asya
ay maaring hatiin sa dalawa -- Sino-Tibetan at Austric, na siyang itinawag
ng mga iskolar sa grupo ng huling tatlong pamilya -- Austro-Asiatic, at
Austronesian. Gayun pa man,. ang subdibisyong ito ay binago kaunti sa mga
pag-aaral nina Schmidt (1926), Benedict (1942), Sebeok (1942), Greenberg
(1980), Diffloth (1974; 1982) na ginawan ng sentisis ni Ruhlen (1987:151-156).
Ang Kadai ay isinama sa Tai sa isang sanga na tinawag nilang Daic, na isinama
naman sa Austronesian sa sangang Austro-Tai. Idinagdag rin ang Miao-Yao.
Ito ay ipinakita sa diagram 2.
AUSTRIC
1. MIAO-YAO
|
2. AUSTROASIATIC
|
3. AUSTRO-TAI
|
|
2.1. MUNDA |
3.1. DAIC |
|
2.2 MON-KHMER |
i. DAIC |
|
i. NORTH |
ii KADAI |
|
ii. EAST |
3.2 AUSTRONESIAN |
|
iii.
SOUTH |
|
Diagram 2 Pamilya ng
mga wikang AUSTRIC
Ang Austric ay may kabuuang 1,200
wika at may humigit kumulang 293 milyon ang nagsasalita nito(Ruhlen,1987:
p.148),. Ang Miao-Yao ay matagpuan sa katimogang China sa probinsya ng
Guizhou at sa hilagang bahagi ng Vietnam, Laos, at Thailand. May mga 5
milyon ang nagsasalita nito. Ang Austroasiatic naman ay may 150 wika at
may mga 56 milyon ang nagsasalita nito. Ito ay nahati sa dalawa: (1) ang
Munda na matatagpuan sa hilaga-silangang India -ang Santali at ang Mundari
ay ang pinakamalaki sa 10 wika napaloob sa grupong ito na ginagamit sa
may mga 6 milyon; at, (2) ang Mon-Khmer na siyang ginagamit sa kalawakang
Timog-silangang Asya -- sa Laos, Vietnam, Kampuchea, sa ilang bahagi sa
Thailand, Burma, Malay peninsula, sa mga Isla ng Nicobar. Sa 150 wika na
napabilang nito, ang Vietnamese at at Khmer ang pinakatanyag.
Ang Daic ay may 60 wika na ginagamit ng humigit kumulang ng
50 milyong tao sa Thailand, Laos, hilagang Vietnam, Burma, timog China,
at sa kapuloan ng Hainan. Ang Thai at Lao ang pinakamalaking grupo sa pamilyang
ito.