Iilang pag-aaral ng mga dayuhan. Ang
Gramatica
Bisaya (Guillen), Diccionario de idiomas Filipinos
(Blumentritt),
Vocabulario
Pangasinan-Castellano
(Austria Macaraeg) ay iilan sa mga pag-aaral
noong 1898.
Ang siyentipikong pag-aaral sa wika
ay nagsimula pagdating ng mga Amerikano. Ang mga mahalagang pag-aaral sa
panahong ito ay isinagawa nina Cecilio Lopez, Morice Vanoverberg, Otto
Scheerer, Hermann Costenoble, Carlos Everett Conant, Frank R. Blake, and
Leonard Bloomfield.
Ang anim na artikulo ni Costenoble
ay tungkol sa mga salitang ugat na binubuo ng isang pantig lamang (monosyllabic),
sa
pagkakaiba at pagkakahawig ng mga tunog sa iilang major na wika
sa Pilipinas, at ikinumpara rin niya ang mga pandiwa sa mga wikang ito.
Si Otto Scheerer ay maraming naisulat, simula ng 1909 hanggang 1932, tungkol
sa mga wika sa hilagang Luzon --Kalinga, Ilongots, Isinai, Batak, Isneg,
at Bontoc. Si Vanoverbergh ay sumulat ng gramatika at diksyonaryo ng Iloko,
mga etnograpiyang pag-aaral ng mga Isneg at Kankanay.
Si Conant ay may mga sampung pag-aaral
tungkol sa mga wika ng Pilipinas mula 1908 hanggang 1916. Kabilang na rito
ang mga pag-aaral sa ponolohiya ng Turirai (1913); ang ebolusyon ng "pepet
vowel" sa 30 wika sa Pilipinas; ang mga tunog na "f" at "v" sa iilang wika
sa Pilipinas; at ang correspondence ng mga tunog na R-G-H-Y-NULL
at R-L-D-G sa mga wika sa Pilipinas--na kung saan iklinasipay niya ang
mga wikang Tagalog, Bikol, Bisaya, Ibanag, Magindanao, Tausug, at Bagobo
bilang "g-languages," ang Ilokano at Tiurai,"r-language," ang
Pangasinense, Kankanai, Ibaloy, Bontoc, at Kalamian "l-languages," at ang
Kapampangan, Ivatan, Sambal, "y-languages." Tiningnan rin niya ang ebolusyon
ng tunog na /l/ sa Indonesia sa Tagalog, Bisaya, Bontok, Kankanay, Samal,
Mandaya, Isinai, Sambali, Inibaloi, Ivatan, at Ilongot. May mga pag-aaral
rin siya tungkol sa gramatika ng wikang Isinai at sa mga salitang ugat
sa Kapampangan na naging monosyllabic.
Si Blake ay sumulat ng mga 15 na artikulo
tungkol sa mga wika ng Pilipinas mula 1911 hanggang 1950, ang pito nito
ay tungkol sa wikang Tagalog. Ang kanyang gramatika sa wikang Tagalog ay
tinagurian ni Constantinobilang pinakamahalagang kontribusyon ni Blake
sa linggwistiks sa Pilipinas.
Ang gramatikal na pagsusuri ni Bloomfield
sa wikang Tagalog ay ang pinakamagaling na naisagawa sa anumang wika sa
Pilipinas ayon kay Cecilio Lopez. Malaki ang naiambag nito sa pag-aaral
morpolohiya at sintaks sa Tagalog. Maliban dito, sinuri din ni Bloomfield
ang sintaks ng Ilocano.
Kabilang sa mga dayuhan na nag-aaral
sa mga wika sa Pilipinas si John U. Wolff ng Unibersidad ng Cornell. Cebuano
ang kanyang espeyyalisasyon. Sumulat siya tungkol sa morpolohiya, sintaks
ng Cebuano at ng mga pedagodyikal na libro. Lumabas noong 1972
ang kanyang diksyonaryo ng Cebuano
Visayan. Isa pang iskolar sa mga wikang Bisaya ay si David Zorc na siyang
nagklasipay ng mga wikang Bisaya at gumawa ng rekonstruksyon sa mga ito
(1975). Gumawa din ng gramar sina Dubois sa Sarangani Manobo, Wolfenden
sa Hiligaynon, Bell sa Cebuano, Eyestone sa Ilocano.
Ang iilan sa mga wika na nagawan ng
gramar, diksyonaryo o bokabularyo mula 1898 hanggang sa kasalukuyan at
ang mga dayuhang iskolar na gumawa ng pag-aaral ay ang mga sumusunod: Abaknon,
Pallesen; Agta: Central Cagayan, Oates at Oates, Mayfield at Mayfield;
Dupaninan Agta, Nickell at Nickell; Agutayen, Hendrickson atbp; Aklanon,
Zorc; Bikol, Mintz, McFarland; Balangao-Ilocano-Pilipino, Shetler; Bantoanon,
Hindrickson at Kilgour; Batak -Mayer at Rodda, Warren; Binukid, Gardner;
Bukidnon, Lynch, Gardner at Post; Bilaan, Word; Sarangani Blaan, Blackburn;
Koronadal Bilaan, Rhea at Rhea; Bolinao, Persons at Persons; Bontok, Reid;Barlig
Bontoc, Gunther; Buhid, Hanselman atbp; Dumagat -Casiguran Dumagat, Headland
at Headland; Umiray Dumagat, Macleod atbp; Ga’dang, Troyer, Forfia at Walrod;
Hanunoo, Conklin; Hanunoo-Mangyan-Ambahan, Postma; Ibaloi, Ballard, Conrad
at Longacre; Ibanag, Santo Tomas; Ibatan, Maree at Maree, Larson; Ifugao
-Batad, Newell at Newell; Amganad Ifugao, West at Madrid; Kiangan Ifugao,
Barton; Ifugaw, Beyer at Lambrecht; Mayoyao Ifugao, Hodder at Kerley; Tuwali
Ifugao, Hohulin at Hohulin; Igorot -Bontok Igorot -Clapp, Seidenadel, Waterman;
Lepanto Igorot, Vanoverbergh; Sagada Igorot, Scott, Eggan; Ilocano -Williams,
Williams at Gaces, Yamamoto (English-Ilocano-Pangasinan-Japanese), Eyestone;
Ilongot, Fox; Iraya, Page at Dombre; Itawis, Richards at Richards; Itbayaten,
Yamada; Binogan Itneg, Walton.
Kalagan -Kagan Kalagan, Wendel atbp.
Tagakaulo Kalagan, Murray at Murray; Kagayanen, Huggins at Pebley, MacGregor
at MacGregor; Kalinga -Timog Kalinga, Grayden; Pilipino-Ilokano-Timog Kalinga,
Grayden atbp.; Guinaang Kalinga, Gieser; Limos Kalinga, Wiens at Wiens;
Upper Tanudan Kalinga, Brainard; Lower Tanudan Kalinga, Thomas at Thomas;
Kankanay, Allen at Allen; Northern Kankanay, Wallace; Keley-i Kallahan,
Hohulin at Hohulin; Maguindanao -Porter, Fleischman, Moe; Mamanwa, Miller
at Miller; Mandaya: Dibabaon Mandaya, Bernard at Forster; Mangyan -Gardner,
Barbian; Manobo -Sarangani Manobo, Dubois; Central Mindanao, Western Mindanao
Manobo, at Bukidnon Manobo, Elkins at Elkins; Cotabato Manobo, Errington
atbp; Obo Manobo, Khor atbp; Agusan Manobo, Schumacher; Ilianen Manobo,
Wrigglesworth; Mansaka -Thomas at Thomas, Svelmoe at Svelmoe; Maranao -Laubach
at Zwickley, Hamm atbp.,McKaughan at Macaraya; Masbatenyo, Wolfenden at
Wolfenden; Molbog, Thiessen at Thiessen; Negrito Tayabas, Garvan; Palawano,
Duhe at Duhe; Pampango -Parker, Forman; Pangasinense -Rayner, Benton; Samal,
Bartter, Tawitawi Samal, Conklin; Sama -Sama Sibutu, Allison; Sama Japun,
Conklin, Forman; Pangutaran Sama, Walton atbp, Southern Sama, Allison,
Drake at Drake; Proto-Sama Badjaw, Pallesen; Sama Balangingi, Diment atbp.
Sama Abaknon, Jacobson at Jacobson; Sambal: Botolan Sambal, Houck, Tina
Sambal, Goschnick; Sangir -Lightbody, Maryott atbp; Subanon -Churchill,
Frake, Brichoux at Brichoux; Western Subanen, Hall at Hall; Sulu -McCutchen;
Sulu-Malay-Yakan, Gunther at Whitaker, Johnson; Tagabili -Lindquist, Forsberg,
Maryott atbp, Moran atbp, Porter at Hale; Tagalog -Anceaux, English, Haynor,
Ignashev (Ruso-Tagalog-Ruso), Kasai, Neilson, Nigg, Bickford at Bickford,
Wolff (Deutsch-Tagalog); Tagbanua, Fox, Dubois, Green at Green; Taosug
-Link, Ashley at Ashley, Copet; Tiruray -Post at Strohsahl, Schlegel, Wood,
Thomas atbp; Visaya-Español -Alcazar, Medalle y Zaguirre; Visaya-English
-Allin, Cohen atbp., Hall at Custodio, Maxfield, Kaufmann, Lynch, Rafferty,
Jonkergouw at Mierhofer, Meiklejohn at Meiklejohn, Nelson; Yakan, Sherfan,
Behrens.
May mga dayuhang iskolar din na nagklasipay
sa mga wika sa Pilipinas tulad nina Conklin, Dyen, Thoma s at Healy, Chretien,
McFarland, Pallesen, Reid, Walton, Zorc.
Mga pag-aaral
ng mga linggwistang Pilipino
Si Cecilio Lopez ay ang pinakaunang
linggwistang Pilipino. Natapos niya ang kanyang Ph.D sa Linggwistiks sa
Unibersidad ng Hamburg noong 1928. Sinulat niya noong 1940 ang kanyang
gramatika ng wikang Tagalog matapos iproklama ang Tagalog bilang batayang
wika sa wikang pambansa. May mga humigit-kumulang 30 na pag-aaral ang naisagawa
ni Lopez tungkol sa mga ponolohiya, morpolohiya, sintaks ng mga wika sa
Pilipinas mula 1928 hanggang 1967. Tinalakay rin niya ang leksikon sa Tagalog
at Malay at ang pangkalahatang katangian ng mga wika sa Pilipinas.
Isa pang kilalang linggwista sa Pilipinas
ay si Ernesto Andres Constantino. May mga 11 na artikulo kanyang naisulat
mula 1959 hanggang 1970. Isinulat niya noong 1964 ang "Sentence patterns
of the ten major Philippine languages" na naghahambing sa istruktura
ng mga pangngusap sa Tagalog, Waray, Bikol, Cebuano, Hiligaynon, Tausug,
Ilokano, Ibanag, Pangasinense, Kapampangan. Sa 1965 lumabas ang kanyang
"The
sentence patterns of twenty-six Philippine languages." Tinatalakay
dito ang uri ng mga pangungusap batay sa mga istruktura na bumubuo nito
at ang mga kaukulang transpormasyon. Ikinumpara rito ang mga major na wika
at ang iilang maynor na wika tulad ng Abaknon, Bolinao, Botolan, Isinai,
Itbayat, Itneg, Ivatan, Malaweg, Manobo, Sama Bangingi, Igorot, Tausug,
Ternate, Tingguian, Ylianon, at Yogad.
Noong 1970 ay sinulat niya ang "Tagalog
and other major languages of the Philippines" na naglalahad ng deskripsyon
at ebalwasyon sa mga naisagawang pag-aaral sa linggwistika ng Pilipinas
mula sa panahon ng mga Kastila hanggang 1970. Lumabas ang pre-publication
na isyu ng kanyang English-Filipino Dictionary noong 1996 at noong 1997
naman ay lumabas ang Diskyonaryong Filipino-Ingles. Bukod nito nasulat
rin niya ang sumusunod na mga bilinggwal na diksyonaryo sa Ingles at Ilocano,
Aklanon, Bikol, Cebuano, Kapampangan, Kinaray-a, Pangasinan, Romblomanon,
Sambal, Waray-waray, Tausug, at ang Comparative dictionary of Tagalog.
Si Consuelo Joaquin. Paz ay sumulat
ng deskripson at ebalwasyon sa mga naunang pag-aaral sa humigit-kumulang
50 na maynor na wika sa Pilipinas, kabilang na nito ang Agta, Aklanon,
Binukid, Dibabaon, Itbayat, Kankanay, Kalinga, Kinaray-a, Mansaka, Mamanwa,
Manobo, Tagakaolo, Tagabili, Tausug,Yogad. Kasali rin ang Bagobo, Bontoc,
Bilaan, Chavacano, Kuyunin, Dumagat, Gaddang, Ibanag, Ifugao, Ilongot,
Isinay, Itawis, Ivatan, Magindanao, Maranao, Mangyan, Nabaloi, Sambal,
Sangir, Subanon, Tiruray, Tagbanwa, at Yakan. Isa pang malaking ambag ni
Paz sa linggwistika sa Pilipinas ay ang kanyang historikal na pag-aaral
na pinamamagatang "A Reconstruction of Proto-Philippine Phonemes and
Morphemes" (1981).
Si Fe Otanes ang katuwang na awtor
ni Paul Schachter sa pagsulat ng gramatika ng wikang Tagalog (1972) na
nakatulong sa maraming iskolar sa larangang ito. Sumulat din ng gramar
sa Ivatan si Hidalgo at Hidalgo; si Barlaan sa Summer Institure of Linguistics
(SIL) sa Isneg; si Bunye at Yap, Luzares at Rafael, Doroteo, at Trosdal
sa Cebuano. Si Viray ay may ginawa ring komparatib na pag-aaral sa mga
gitlapi sa mga wika sa Pilipinas
Si Teodoro Llamzon ay gumawa rin ng
pag-aaral sa ponolohiya at sintaks ng Tagalog. Nalimbag ang dalawa niyang
klasipikasyon sa mga wika sa Pilipinas (1966 at 1969). Maliban dito ay
tinuonan din niya ng pansin ang debelopment ng pambansang wika at ang pagplano
nito. May mga ilang artikulo din siyang naisulat tungkol sa pagtuturo ng
wika.
Ang iilan sa mga iskolar na tumatalakay
sa mga palisi at pagpaplano ng wika at sa wikang pambansa, bilinggwalismo
at nasyonalismo ay sina Andrew B. Gonzalez, Bonifacio P. Sibayan, Pamela
C. Constantino. Sina Ma. Lourdes Bautista, Emy Pascasio, Jonathan Malicsi,
Zeus Salazar, Casilda Luzares ay nagbibigay pansin naman sa sosyolinggwistiks.
Sa larangan ng leksikograpiya, maraming
Pilipinong iskolar ang namumukod. Isa na rito si Jose Villa Panganiban
na sumulat ng mga diksyonaryong sumusunod: English-Tagalog vocabulary
(1946),
Talahulugang
Tagalog-Ingles (1952-64), Tesauro diksiyonaryo Ingles-Pilipino
(1965-66),
Talahulugang
Pilipino-Ingles (1966),
Concise English-Tagalog dictionary (1969),
Diksiyunaryong
Pilipino-Ingles
(1970), Diksyunaryo-tesauro Pilipino-Ingles
(1972),
Comparative
semantics of synonyms and homonyms in Philippine languages
(1972).
Si Julio Silverio ay gumawa ng mga
diksyonaryo sa Ingles-Pilipino-Ilocano, Ingles-Pilipino-Pangasinan, Pampango-Pilipino-Ingles
noong 1976; Pilipino-Pilipino, Bicolano-Pilipino-Ingles, Ingles-Pilipino-Bicolano
noong 1980. Si Mario Tunglo ay gumawa ng trilinggwal na diksyonaryo sa
Ingles-Pilipino at Ilocano, Bicolano, Cebuano, Ilongo, Maranao, Pampango,
Pangasinan, Waray at ng bilinggwal Ingles-Pilipino, Pilipino-Ingles mula
1986 hanggang 1988.
Ang iba pang mga diksyonaryo na nagawa
ng mga Pilipinong iskolar sa panahong ito ay ang mga sumusunod: Tagalog/Pilipino
-Tagalog-Ingles o Ingles-Tagalog -Anacleto, Buhain, Daluz, Jacobo, Ignacio,
Laya at Laya, de Leon, Mallari at Tablan, Aldave-Yap, Manalili, Macapinlac
at de Dios; English-Tagalog-Spanish, de Guzman atbp, Ignacio; Kastila-Tagalog,
Paglinawan; Nippongo-Pilipino, Verzosa; English-Tagalog-Ilokano -Calderon,
Calip, Calip at Resurrection, Silverio, Dagdagan, Cacdac at Cacdac; Ingles-Español-Ilocano-Pangasinan,
Garcia; English-Tagalog-Ilokano-Visayan, Dizon; Español-Ilocano
-Pacifico; Cebuano -Bas, Bunye at Yap, Cabonce, Cuenco, Custodio, Trosdal;
English-Visayan-Spanish, Gullas; English-Visayan-Tagalog, Hermosisima at
Lopez, Rudifera, Guerrero, Jamolangue; Bikol -Belen, Imperial; Ingles-Bikol-Castila,
Dato; Pampango-Castellano-Ingles -Dimalanta atbp; English-Tagalog-Pampango,
Manalili at Tamayo; Hiligaynon-English -Maroma, Motus; English-Tboli-Pilipino-Hiligaynon,
Gendulan; Waray-waray-Pilipino, Andrada; Subanu-Visayan-Spanish-English,
Lagorra; Sindangan Subanon-Cebuano-Pilipino-English, Guilingan atbp; Matigsalug
Manobo, Manuel; Bilaan, Macabenta; Gaddang -Calimag; Tausug, Usman; Chabacano-English-Spanish,
Camins at Riego de Dios.
Lumabas noong 1995 ang komprehensibong
English-Pilipino
Dictionry nila Vito C. Santos at Luningning E. Santos. Ito ay may 20,000
main
entries na napaloob sa mahigit 1,600.
Sa larangan naman ng anthropological
linguistics, si Dr. Prospero R. Covar ay may pag-aaral tungkol sa Balarila
ng Wika (hindi pa nalimbag). Dito ay kanyang dinadalumat ng kulturang Tagalog
sa pamamagitan ng wika.
Ang listahang ito sa linggwistik na
mga pag-aaral ay hindi kompleto. Gayun pa man, maaring naipakita sa pamamagitan
nito ang mga debelopment sa pag-aaral ng mga wika sa Pilipinas mula sa
panahon ng mga Kastila, sa rehimen ng mga Amerikano, at sa kontemporaryong
panahon kung saan ang mga Pilipino mismo ang nag-aaral sa sarili nilang
mga wika.
Linggwistiks at ang isyu ng
wikang pambansa
Ang wikang pambansa ay matagal nang
naging isyu sa kapuluan ng Pilipinas na mayroong mahigit sa isangdaang
etnolinggwistikong grupo. Ang usaping ito ay nagsimula noong 1908 pa kung
kailan ipinasa ang panukalang batas na nagtakda sa pagtatag ng Institute
of Philippine languages at ang pagsasanay sa mga guro sa gawaing ito.
Tinanggihan ito sa Asembleya sa pamamagitan ng kanilang kinatawan na si
Leon Ma. Guerrero na nagpahayag sa kanilang desisyon na wikang dayuhan,
sa halip na katutubong wika, ang tugon sa pangangailan ng isang komon na
wika sa Pilipinas.
Gayun pa man, iminungkahi ni G. Butte,
ang ex-officio na Kalihim sa Instruksyong Pampubliko noong 1931, na gamitin
ang bernakular bilang wikang pangturo sa mga antas I hanggang IV sa elementarya.
Itinaguyod ito ni Representante Manuel V. Gallego sa kanyang pagpasa sa
Panukalang Batas Bilang 588 na nagtakda sa wikang bernakular bilang wikang
panturo sa elementarya at sekondarya sa lahat ng paaralang pampubliko.
Tinalakay ang isyu ng wikang pambansa
sa Kombensyong Konstitusyonal noong 1935 at itinakda sa Seksyon 3 Artikulo
XIII ang pagdebelop ng isang wikang komon batay sa mga sinasalitang wika
sa Pilipinas. Tinatag ang National Language Institute noong Nobyembre 13,
1936 alinsunod sa Commonwealth Act Bilang 184 at inatasang gampanan ang
isinasaad sa Sek. 3 Art XIII. Noong 1937 inirekomenda ng Institute ang
Tagalog bilang wikang pambansa. Tinawag itong Pilipino ng Kagawaran ng
Edukasyon noong 1959. Sa pasukan ng taong 1974-75, gradwal na ipinatupad
ang paggamit ng Pilipino bilang wikang panturo sa mga sabjek na Rizal at
Kasaysayan sa mga unibersidad at kolehyo. Inumpisahan ng Board of National
Education noong Agosto 7, 1973 ang bilinggwal na programa sa edukasyon
--ang paggamit sa bernakular sa Grade I at II, Pilipino sa Grade III at
IV, at Pilipino at Ingles sa hayskul at kolehyo.
Itinakda sa Konstitusyon ng 1973 na
itaguyod ng National Assembly ang pagdebelop at ang pormal na pagtanggap
sa komon na wikang pambansa na tinaguriang Filipino. Itinakda rin sa Konstitusyon
ng 1987 na ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino; habang ito ay
nililinang, dapat itong payamanin at palaguin batay sa mga wikang ginagamit
sa Pilipinas.
Ano ba ang Filipino? Ito ba ay Pilipino
o Tagalog? Ito "ang tinatawag naming lingguwa prangka o Filipino" (Constantino,
1966: 180), "ay isang wikang kompromiso," (Atienza, 1996), "ang kulturang
popular na nagmula sa Metro Manila at pinalaganap sa buong kapuluan" (Flores,
1996), "ang English-Tagalog code switch (Cruz, 1997). Kapansin-pansin ang
pagkakaisa ng mga pahayag na ang Filipino ay ang kasalukuyang lingua franca
sa Metro Manila na lumalaganap sa mga sentro ng mga rehiyon sa pamamagitan
ng radyo, telebisyon, diaryo, sa mga kanta ng mga lokal na rock band. Ginagamit
na rin ito bilang wika sa akademya.
May kaibhan ba ang Filipino sa Pilipino?
Ipinahayag ni Dr. Ernesto Constantino ang kaibhan sa dalawa: (1) Mas marami
ang tunog o ponema ng Filipino; (2) magkaiba ang ortograpiya nila; (3)
maraming hiram na salitang Ingles ang Filipino; (4) iba ang gramatikal
na konstruksyon sa Filipino.
Hindi maipagkaila ang kahalagahan
ng linggwistiks sa pagdebelop ng wikang pambansa. Ang syentipikong pag-aaral
ng mga wika sa Pilipinas ay mahalagang hakbang tungo sa isang komon na
wika. Ang pagsusuri ng mga cognate set sa iba’t ibang wika ay magbibigay
ng komon na leksikon. Ang paghahambing ng mga tunog ay magpapalawak ng
saklaw sa ponolohiya. Ang pagsusuri ng mga morpema -mga salitang ugat at
mga panlapi, sa iba’t ibang wika ay magpapaunlad at magpapayaman sa pambansang
wika. Ang pagkukumpara sa sintaks ay maglalahad ng lalong akmang kabagayan
sa mga konstruksyon na napaloob sa isang pangungusap At dahil ito ay katipunan
ng mga wika, itataguyod ito ng mga etnolinggwistikong grupo. Yayabong at
uunlad ang wikang pambansa sa pamamagitan ng linggwistiks.
Marami nang pag-aaral ang naisagawa
sa linggwistiks sa Pilipinas mula 1898 hanggang 1998. Guyun pa man, marami
pa ring pag-aaral ang dapat isagawa sa larangan ng morpolohiya, semantiks,
sosyolinggwistiks, sikolinggwistiks, dayakronik o ebolusyon at pagbabago
ng mga wika, at maging sa ugnayan ng wika at kultura. Kailangan rin ang
komaparatib na pag-aaral upang maisulong ang wikang pambansa na maituring
na talagang hango sa iba’t ibang wika sa Pilipinas.
CLASSIFICATION OF PHILIPPINE LANGUAGES
And the Places Where These are Spoken