Languagelinks.org Cebuano Title







 

Linggwistiks Para sa mga Mag-aaral ng AGHAM PANLIPUNAN 1

by Jessie Grace U. Rubrico

Linggwistiks

Ang linggwistiks ay ang syentipikong pag-aaral ng wika. Sinusuri nito ang aktwal na paggamit ng wika sa mga katutubong nagsasalita (native speaker) nito. At binabakas nito ang mga pagbabago na nangyayari sa wika sa loob ng ilang dantaon. Ang paglalarawan sa aktwal na gamit at istruktura ng wika ay tinatalakay sa synchroniclinguistics, na kung minsan ay tinatawag ring descriptive o structural linguistics. Ang pagbabakas naman ng pagbabago paglipas ng iilang dantaon ay siyang sinusuri sa diachronic o historical linguistics.

Singkronikong Linggwistiks

Ito ang sangay ng linggwistiks na naglalarawan sa wika sa isang partikular na panahon. Tinatalakay dito ang mga alituntunin sa pagsamasama ng mga tunog o ponema (ponolohiya), sa pagbubuo ng mga salita o morpema (morpolohiya), at ang pagbubuo ng mga prase at pangungusap (sintaks) upang sa ganon ay makagawa ng isang gramatika na nagpapahayag sa nalalaman sa isang katutubong nagsasalita tungkol sa kanyang wika (linguistic competence). Ang pagsusulat ng mga gramatika at diksyonario ng isang wika ay mga bunga sa pag-aaral na ito.

Ponolohiya. Tinatalakay sa ponolohiya ang mga tunog sa isang wika; ang mga alintuntunin sa pagkasunod-sunod ng mga ito; ang pagpapantig; at ang mga proseso na nagaganap sa mga ponema dahil sa mga katabi nitong ponema, o iba pang dahilan. Ang bawat wika ay may kabuuang imbentaryo sa lahat na tunog na ginagamit nito. Ang mga sumusunod ay ang mga tunog sa Filipino: ang mga katinig, / p. b. m, w, f, v, t, d, n, s, l, r, ts, j, y, k, g, ng, ?, h /; at ang mga patinig /i, e, a, o, u/ .



 

Tatlong bagay ang kailangan upang mabigkas ang isang tunog: hangin galing sa baga; ang babagtingan o larynx kung saan naroon ang vocal folds; at, ang vocal tract na binubuo ng lalaugan (pharynx), bibig, at guwang ng ilong (Tingnan ang Fig. 1 sa ibaba).

Ang mga tunog ay maaring uriin batay sa bahagi ng vocal tract kung saan ito nabibigyang realidad -- pharyngeal, kung sa pharynx; nasal, kung sa guwang ng ilong; at, oral kung sa bibig. Nasa bibig ang dila, ngipin, mga labi, ngalangala [palate at velum] na siyang nagbibigay anyo ng mga ponema. (Tingnan ang Fig. 2).:

Ang ponemang / p /, halimbawa, ay mabigyang realidad sa pamamagitan ng pagsara ng dalawang labi. at pagbukas nito. Ganoon din ang ponemang / b /, kaya lang nagba-vibrate ang vocal cords pagbigkas nito --kung kaya ito ay tinatawag na voiced at ang / p / ay voiceless.

Ang paraan sa pagbigkas ay isa ring mahalagang batayan sa pag-uuri ng mga katinig. Ang / p / ay tinatawag na stop kasi hinaharangan muna ng dalawang labi ang hangin bago ipalabas sa bibig. Dalawa lamang ang stops sa mga panlabing ponema /p, b/. Ang mga ponemang nasal naman ay pinapalabas sa guwang ng ilong. Nilalapat ang dila sa ngalangala upang hindi lalabas sa bibig ang hangin. Ang mga tunog na "binibigkas nang paimpit sa bungad ng bibig" (Santos, et. al., 1995: p.475) ay tinatawag na prikatib (fricative). Ang mga ponemang napabilang nito ay may kasamang ingay na pasutsot. Ang affricate ay ang mga ponemang nagsisimula bilang stop at nagtatapos bilang prikatib. Tuloy tuloy rin ang labas ng hangin sa pagbigkas ng mga ponemang likwid (liquid) ngunit ang mga ito’y walang kasamang ingay na pasutsot. Ang mga ponemang /w at y/ ay tinatawag na semi-vowel o malapatinig.

Samakatuwid ang nga katinig ay maaring uriin alinsunod sa paraan at sa punto ng kanilang artikulasyon. at sa pamamagitan ng aksyon ng mga vocal fold (voiced o voiceless). Tingnan ang tsart sa mga katinig sa Filipino sa  Hanayan 1

Hanayan 1 Mga Katinig sa Wikang Filipino
PARAAN NG PAGBIGKAS
P U N T O  N G  A R T I K U L A S Y O N
- / +
voi
sa labi ngipin at labi gilagid (alveolar) ngala-ngala  velum
titigukan (glottal)
pasara (stop) - v
+ v

b
 
t
d
 

g
?
prikatib  - v
+ v
 

v
s
   
h
afrikit  - v
+ v
     
 ts
   
nasal + v
m
 
n
 
ng
 
likwid + v    
l, r
     
malapatinig + v
w
   
y
   

 

Ang mga patinig naman ay inilalarawan sa pagitan ng posisyon ng dila --(1) harap, gitna, at likod; (2) sa taas ng dila; (3) at sa pagbibilog ng mga labi. Ang vowel tsart sa mga patinig sa Filipino ay nasa Hanayan 2.
 
 

Hanayan 2 Tsart sa mga Patinig sa Filipino
Harap Sentro Likod
2 Mataas
i
u3
Gitna
e
 
o3
Mababa  
a
 

Ang pagbubuo ng mga pantig ay magagawa kung alam natin ang mga alituntunin sa pagkasunod-sunod ng mga tunog na ito (phonotactics). May mga tunog na maaring magkatabi at meron namang hindi. Halimbawa, hindi pinapayagang magkasunod ang dalawang magkaparehang konsonant. Ang alituntuning ito ay tinatawag na phonotactic constraints.

Tinutuonan din nga pansin sa ponolohiya ang mga alituntunin na may kinalaman sa pagbabago ng tunog sa isang ponema dahil sa katabi nitong tunog. Isa nito ay ang asimilasyon ng mga tunog na Nasal - /N / --kung ang mga ito ay linalagyan ng panlapi o afiks.
 

 

Hanayan 3 Mga halimbawa ng nasal na asimilasyon
(1) pang + bata > pa N + bata > pambata
(2) pang + bansa > paN + bansa > pambansa
(3) pang + tusok > paN + tusok > pantusok > pannusok > panusok
(4) pang + kahoy > paN + kahoy > pangkahoy > pangahoy
(5) pang + karga > paN + karga > pangkarga > pangngarga > pangarga

Nag-iiba ang anyo sa panlaping pang- alinsunod sa mga tunog na sumusunod nito. Ang "bata" at "bansa" ay nagsisimula sa ponemang /b/ na nagkakaroon ng realisasyon sa pagsara at pagbuka ng dalawang labi. Ang tawag nito ay bilabial. Ang bilabial na tunog na ito ang nangangailanan ng Nasal na bilabial rin, samakatuwid, /m/. Ang ponemang /t/ naman sa "tusok" ay alveolar, nabibigkas sa pamamagitan ng paglapat ng dila sa ngalangala. Ito ay nangangailangan ng Nasal na alveolar din, samakatuwid, /n/, at ito ay naging pantusok. Ngunit ang mga ponemang /n at t/ ay parehang alveolar at pinapayagang magkaroon ng asimilasyon ang /t/ at upang ito ay maging /n/ . Ang resulta nito ay ang salitang "pannusok" na hindi naman tanggap dahil sa phonotactic constraint na hindi pinapayagang magkatabi ang magkaparehang konsonant. Kaya kailangang tanggalin ang isang /n/ sa pamamagitan ng prosesong tinatawag na deletion o pagtatanggal ng ponema. Ito ang tinatawag na ganap na asimilasyon. Ito din ang nangyari sa mga halimbawa bilang 4 at 5. Nagkaroon ng ganap na asimilasyon ang mga ponemang /?/ at /k/. Ang /?/ ay velar Nasal na siyang kinakailangan na katambal sa /k/ na nabibigkas rin sa punto ding iyon.

Morpolohiya. Ang mga pantig ay maaring pagsamasamahin upang makabuo ng mga morpema. Ang morpema ay ang isang kombinasyon ng ponema na may kahulogan. Ang mga ponema ay walang kahulogan. Sila ay mga representasyon lamang ng mga tunog. Ngunit kung silay pagsamasamahin, silay makakabuo ng isang konstruksyon na makahulogan. Ang morpolohiya ay tumatalakay sa mga proseso at mga alituntunin sa pagbubuo ng mga salita sa isang wika.

Isa sa mga proseso sa pagbubuo ng mga salita sa Filipino ay ang paglalapi (affixation). May tatlong uri ng panlapi sa Filipino: unlapi-, -gitlapi-, at hulapi-. Sa isang salitang ugat ay maaring mabuo ang 50 o mas mahigit pang salita dahil sa paglalapi. Halimbawa, ang salitang ugat na "bili" ay maaring magbigay ng sumusunod na mga salita: ibili, ibibili,, ibinili, ipagbili, ipinagbili, binili, binibili, bilhin, bibilhin, bumili, bumibili, atbp.

Isa pang proseso ay ang tinatawag na compounding. Ito ay ang pagtatambal ng dalawang salita upang ang tambalang iyon ay magkaroon ng bagong kahulogan. Halimbawa, sampay-bakod, akyat-bahay, bantay-salakay, ligaw-tingin, kapit-patalim, akyat-panaog, dagdag-bawas, atbp.

Ang blending naman ay ang pagsamasama ng mga parti ng dalawa o higit pang mga salita upang mabuo ang isang salita na may bagong kahulogan. Halimbawa: ang tapsilog ay galing sa tapa, sinangag at itlog; ang iskargu, sa isda, karne, at gulay; ang brenda, sa brain damage; ang tradpol o trapo, sa traditional politician; ang altanghap, sa almusal, tanghalian, at hapunan.

Ang mga ito ay iilan lamang sa mga proseso sa pagbubuo ng mga salita sa wika.

Pansinin naman natin ngayon ang tatlong alituntunin sa morpolohiya: ang paglalapi, metatesis at ang deletion o ang pagtatanggal ng ponema.
 

Hanayan 4 Halimbawa ng mga proseso sa morpolohiya
Paglalapi Deletion Metatesis
(6) silid > silid + -an > silidan > sildan > sidlan
(7) bili > bili + -han> bilihan > bilhan  

Ipinapakita sa (6) kung paano naging "sidlan" ang salitang ugat na "silid" --itoy nilapian ng hulaping -an at ang nabuong salitang "silidan" ay tinanggalan ng isang ponema (ang huling patinig sa salitang ugat), at makikita ang pagpalit ng pwesto ng mga ponemang / d / at / l /. Pinapakita naman sa (7) ang paglalapi at deletion..

Sintaks. Ang sintaks ay ang kombinasyon nga mga salita upang makakabuo ng mga prase at ang pagsasamasama ng mga praseng ito upang makakabuo ng pangungusap o sentens. Ito ay may dalawang bahagi, linear at hierarchical. Upang mas maintindihan ito, tingnan ang mga halimbawa sa ibaba:
 
 

Hanayan 5 Halimbawa ng Linear na kaayusan ng pangungusap
Pangungusap Panaguri Simuno
(8) Maganda ang dalaga. > Maganda  ang dalaga
(9) Tumakbo ang pulis. > Tumakbo ang pulis 
(10) Bumili ng masarap na pansit ang mabait na pulis >  Bumili ng masarap na pansit ang mabait na pulis.
(11) Nagpatayo ng magarang 
       bahay ang mayor >
Nagpatayo ng magarang bahay ang mayor

Ang linear na kaayusan sa mga sentens sa itaas ay Panaguri + Simuno. Tawagin nating PV ang ating Panaguri (Praseng Verbo) at PN (Praseng Noun) naman ang ating Simuno. Samakatuwid, ang linear na kaayusan ay maisulat sa ganitong pormula:

P.1        S ----> PV +  PN

na ang ibig sabihin ay ang S [sentens o pangungusap] ay maaring ipahayag bilang kabuuan ng Praseng Verbo at Praseng Noun.

Tunghayan naman natin ang hierarchical na kaayusan sa mga sentens bilang 8 hanggang 11. Ang kaayusang ito ay may kinalaman sa mga salitang bumubuo sa mga prase. Ang mga salitang ito ay tinatawag na constituent. Ang PV sa bilang 8 at 9 ay binubuo ng tig-iisang salita lamang—maganda (adjective) at tumakbo (verb). Samantalang ang sa 10 at 11 ay binubuo ng mga prase na may pandiwa o verb (PV)--bumili at nagpatayo—at ng obheto (object) ng verb na pawang mga praseng noun (PN). Ang mga PV natin ay maaring isulat bilang ganito:

P.2        PV ---> PRASENG AJDECTIVE/

                                                                                                                       VERBO/
             VERBO  +  PN

Ang Praseng Noun naman ay binubuo ng isang marker o pananda at ng isang noun o pangngalan. Kaya ang praseng ito ay maaring isulat sa pormulang:

P.3        PN  --->  M  +  N

Tunghayan naman natin ang ating simuno o PN na binubuo ng marker na "ang" at ng isang noun, sa bilang (11), may adjective ang noun. Samakatuwid, ang PN ay maaring isulat bilang:

P.4        PN  -->  M  +  ADJ  + N

Ang PN ay maaring mabuo sa pamamagitan ng isang maker ng noun, ng adjective na maaring opsiyonal, at ng isang obligatori noun. Ang mga opsyonal na komponenet ng prase ay nilalagay sa loob ng parentesis.

Ngayon maari na nating pagsamasamahin ang mga pormula natin na naglalarawan sa kabuuan ng mga constituent ng ating sentens. Sa paggawa natin nito ay mailarawan na rin natin ang hierarchical na kaayusan ng sintaks sa sentens na ito.

                           P.1        S  ---->   PV  +  PN
                           P.2        PV --->  PAdj /  V + PN
                           P.3        PN --->  M  + (PAdj  +  linker)  +  N

(Ang linker ay ginagamit sa pag-uugnay ng adjective sa noun sa praeng ito.)

Upang maipakita ang hierarchy ay maari tayong gumawa ng syntactic tree para sa sentens



Ang PN na nasa sanga ng S ay ang simuno ng sentens; habang ang PN sa sanga ng PV ay ang object ng verbo.

Natalakay na natin ang tatlong mahalagang aspeto ng synchronic o descriptive linguistics—ang ponolohiya, morpolohiya, at sintaks. Itong tatlo ay may kaugnayan sa istruktura ng wika, kaya tinagurian din itong structural linguistics. Ang pag-aaral ng kahulogan o semantics ay maaring nangangailangan ng mga extra-linguistic na aspeto sapagkat malaki ang kaugnayan nito sa kultura.
 

Dayakronikong Linggwistiks

Ang pag-aaral ng mga pagbabago sa isang wika sa loob ng maraming taon ay ang paksa ng diachronic o historical linguistics. Samakatuwid, tinitingnan ng mga historical linguist ang ebolusyon ng isang wika. Binabakas nila ang mga kapamilyang wika nito batay sa mga katangian na komon sa kanilang ponolohiya, istruktura at leksikon. Ang mga magkapamilyang wika ay tinataya nilang nanggaling sa isang wika lamang na tinaguriang proto-language . Ang orihinal na wika na ito ay kanilang magawan ng reconstruction sa pamamagitan nga mga salita na galing sa mga daughter languages nito na magkasinghulugan at, humigit kumulang, magkasingtunog. Ang mga salitang ito ay tinatawag na cognate sets.

Ang mga sumusunod ay cognate set ng mga wika sa pamilyang Malayo-polynesian, kung saan napabilang ang mga wika sa Pilipinas: Ang salitang "kahoy" ay ginagamit sa Cebuano, Hilgaynon, Tausug, Bikol; "kayu" naman ito sa Ibanag; "kayo" sa Ilocano, Maranao, Maguindanao; "pohon kaju" sa Indonesia; "pohon kayu" sa Malaysia; "kiew" sa Pangasinan; at "punongkahoy" sa Tagalog. (Panganiban, 1972). Ang cognate set ay: kahoy, kayu, kayo, kiew, pohon kaju, pohon kayu at punongkahoy. Sa pamamagitan ng pagkokompara ng mga cognate set ay matataya ng historical linguist ang panahon ng paghihiwalay ng mga wika sa isang pamilya at masasabi rin nila kung aling wika sa isang pamilya ang mas matanda.

Ang wika ay buhay kaya inaasahang ito ay magbabago sa pamamaraang gradwal. Kung babasahin natin ang mga sinulat sa wikang Tagalog noong mga taong 1600, siguradong maranasan natin ang kahirapan sa pagbasa at pag-intindi kasi iba ang ortograpiya nila noon, at may mga salitang hindi na ginagamit ngayon. Marami ring mga salita na ginagamit ng mga kabataan ngayon na hindi naman naiintindihan ng mga matatanda tulad ng gimik o praning. Kaya karaniwang marinig ang mga ekspresyon na "gumimik ba kayo kagabi?" o "nakakapraning ka naman!"

Isa sa mga dahilan sa pagbabago ng wika ay ang panghihiram o borrowing. Ang pagkakalayo at pagkawala ng ugnayan ng mga nagsasalita ng isang wika ay isa pang dahilan kung bakit nagbabago ang isang wika. May mga aspetong sosyal din na naging dahilan sa pagbabago ng wika tulad ng katayuan sa lipunan, relihiyon, o sa kinabibilangang lahi.

Next Page : WIKA AT KULTURA       






 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Maintained by Mark Rubrico