title




Katayuan at Ambag ng Linggwisktiks sa Pilipinas (1898-1998) ( ...continued )

by Jessie Grace U. Rubrico

Mga Pag-aaral mula 1898-1998

Iilang pag-aaral ng mga dayuhan. Ang Gramatica Bisaya (Guillen), Diccionario de idiomas Filipinos (Blumentritt), Vocabulario Pangasinan-Castellano (Austria Macaraeg) ay iilan sa mga pag-aaral noong 1898.

Ang siyentipikong pag-aaral sa wika ay nagsimula pagdating ng mga Amerikano. ang mga mahalagang pag-aaral sa panahong ito ay isinagawa nina Cecilio Lopez, Morice Vanoverberg, Otto Scheerer, Hermann Costenoble, Carlos Everett Conant, Frank R. Blake, and Leonard Bloomfield.

Ang anim na artikulo ni Costenoble ay tungkol sa mga salitang ugat na binubuo ng isang pantig lamang (monosyllabic), sa pagkakaiba at pagkakahawig ng mga tunog sa iilang major na wika sa Pilipinas, at ikinumpara rin niya ang mga pandiwa sa mga wikang ito. Si Otto Scheerer ay maraming naisulat, simula ng 1909 hanggang 1932, tungkol sa mga wika sa hilagang Luzon --Kalinga, Ilongots, Isinai, Batak, Isneg, at Bontoc. Si Vanoverbergh ay sumulat ng gramatika at diksyonaryo ng Iloko, mga etnograpiyang pag-aaral ng mga Isneg at Kankanay.

Si Conant ay may mga sampung pag-aaral tungkol sa mga wika ng Pilipinas mula 1908 hanggang 1916. Kabilang na rito ang mga pag-aaral sa ponolohiya ng Turirai (1913); ang ebolusyon ng "pepet vowel" sa 30 wika sa Pilipinas; ang mga tunog na "f" at "v" sa iilang wika sa Pilipinas; at ang correspondence ng mga tunog na R-G-H-Y-NULL at R-L-D-G sa mga wika sa Pilipinas--na kung saan iklinasipay niya ang mga wikang Tagalog, Bikol, Bisaya, Ibanag, Magindanao, Tausug, at Bagobo bilang "g-languages," ang Ilokano at Tiurai,"r-language," ang Pangasinense, Kankanai, Ibaloy, Bontoc, at Kalamian "l-languages," at ang Kapampangan, Ivatan, Sambal, "y-languages." Tiningnan rin niya ang ebolusyon ng tunog na /l/ sa Indonesia sa Tagalog, Bisaya, Bontok, Kankanay, Samal, Mandaya, Isinai, Sambali, Inibaloi, Ivatan, at Ilongot. May mga pag-aaral rin siya tungkol sa gramatika ng wikang Isinai at sa mga salitang ugat sa Kapampangan na naging monosyllabic.

Si Blake ay sumulat ng mga 15 na artikulo tungkol sa mga wika ng Pilipinas mula 1911 hanggang 1950, ang pito nito ay tungkol sa wikang Tagalog. Ang kanyang gramatika sa wikang Tagalog ay tinagurian ni Constantinobilang pinakamahalagang kontribusyon ni Blake sa linggwistiks sa Pilipinas.

Ang gramatikal na pagsusuri ni Bloomfield sa wikang Tagalog ay ang pinakamagaling na naisagawa sa anumang wika sa Pilipinas ayon kay Cecilio Lopez. Malaki ang naiambag nito sa pag-aaral morpolohiya at sintaks sa Tagalog. Maliban dito, sinuri din ni Bloomfield ang sintaks ng Ilocano.

Kabilang sa mga dayuhan na nag-aaral sa mga wika sa Pilipinas si John U. Wolff ng Unibersidad ng Cornell. Cebuano ang kanyang espeyyalisasyon. Sumulat siya tungkol sa morpolohiya, sintaks ng Cebuano at ng mga pedagodyikal na libro. Lumabas noong 1972 ang kanyang diksyonaryo ng Cebuano Visayan. Isa pang iskolar sa mga wikang Bisaya ay si David Zorc na siyang nagklasipay ng mga wikang Bisaya at gumawa ng rekonstruksyon sa mga ito (1975). Gumawa din ng gramar sina Dubois sa Sarangani Manobo, Wolfenden sa Hiligaynon, Bell sa Cebuano, Eyestone sa Ilocano.

Ang iilan sa mga wika na nagawan ng gramar, diksyonaryo o bokabularyo mula 1898 hanggang sa kasalukuyan at ang mga dayuhang iskolar na gumawa ng pag-aaral ay ang mga sumusunod: Abaknon, Pallesen; Agta: Central Cagayan, Oates at Oates, Mayfield at Mayfield; Dupaninan Agta, Nickell at Nickell; Agutayen, Hendrickson atbp; Aklanon, Zorc; Bikol, Mintz, McFarland; Balangao-Ilocano-Pilipino, Shetler; Bantoanon, Hindrickson at Kilgour; Batak -Mayer at Rodda, Warren; Binukid, Gardner; Bukidnon, Lynch, Gardner at Post; Bilaan, Word; Sarangani Blaan, Blackburn; Koronadal Bilaan, Rhea at Rhea; Bolinao, Persons at Persons; Bontok, Reid; Barlig Bontoc, Gunther; Buhid, Hanselman atbp; Dumagat -Casiguran Dumagat, Headland at Headland; Umiray Dumagat, Macleod atbp; Ga’dang, Troyer, Forfia at Walrod; Hanunoo, Conklin; Hanunoo-Mangyan-Ambahan, Postma; Ibaloi, Ballard, Conrad at Longacre; Ibanag, Santo Tomas; Ibatan, Maree at Maree, Larson; Ifugao -Batad, Newell at Newell; Amganad Ifugao, West at Madrid; Kiangan Ifugao, Barton; Ifugaw, Beyer at Lambrecht; Mayoyao Ifugao, Hodder at Kerley; Tuwali Ifugao, Hohulin at Hohulin; Igorot -Bontok Igorot -Clapp, Seidenadel, Waterman; Lepanto Igorot, Vanoverbergh; Sagada Igorot, Scott, Eggan; Ilocano -Williams, Williams at Gaces, Yamamoto (English-Ilocano-Pangasinan-Japanese), Eyestone; Ilongot, Fox; Iraya, Page at Dombre; Itawis, Richards at Richards; Itbayaten, Yamada; Binogan Itneg, Walton.

Kalagan -Kagan Kalagan, Wendel atbp. Tagakaulo Kalagan, Murray at Murray; Kagayanen, Huggins at Pebley, MacGregor at MacGregor; Kalinga -Timog Kalinga, Grayden; Pilipino-Ilokano-Timog Kalinga, Grayden atbp.; Guinaang Kalinga, Gieser; Limos Kalinga, Wiens at Wiens; Upper Tanudan Kalinga, Brainard; Lower Tanudan Kalinga, Thomas at Thomas; Kankanay, Allen at Allen; Northern Kankanay, Wallace; Keley-i Kallahan, Hohulin at Hohulin; Maguindanao -Porter, Fleischman, Moe; Mamanwa, Miller at Miller; Mandaya: Dibabaon Mandaya, Bernard at Forster; Mangyan -Gardner, Barbian; Manobo -Sarangani Manobo, Dubois; Central Mindanao, Western Mindanao Manobo, at Bukidnon Manobo, Elkins at Elkins; Cotabato Manobo, Errington atbp; Obo Manobo, Khor atbp; Agusan Manobo, Schumacher; Ilianen Manobo, Wrigglesworth; Mansaka -Thomas at Thomas, Svelmoe at Svelmoe; Maranao -Laubach at Zwickley, Hamm atbp.,McKaughan at Macaraya; Masbatenyo, Wolfenden at Wolfenden; Molbog, Thiessen at Thiessen; Negrito Tayabas, Garvan; Palawano, Duhe at Duhe; Pampango -Parker, Forman; Pangasinense -Rayner, Benton; Samal, Bartter, Tawitawi Samal, Conklin; Sama -Sama Sibutu, Allison; Sama Japun, Conklin, Forman; Pangutaran Sama, Walton atbp, Southern Sama, Allison, Drake at Drake; Proto-Sama Badjaw, Pallesen; Sama Balangingi, Diment atbp. Sama Abaknon, Jacobson at Jacobson; Sambal: Botolan Sambal, Houck, Tina Sambal, Goschnick; Sangir -Lightbody, Maryott atbp; Subanon -Churchill, Frake, Brichoux at Brichoux; Western Subanen, Hall at Hall; Sulu -McCutchen; Sulu-Malay-Yakan, Gunther at Whitaker, Johnson; Tagabili -Lindquist, Forsberg, Maryott atbp, Moran atbp, Porter at Hale;

Tagalog -Anceaux, English, Haynor, Ignashev (Ruso-Tagalog-Ruso), Kasai, Neilson, Nigg, Bickford at Bickford, Wolff (Deutsch-Tagalog); Tagbanua, Fox, Dubois, Green at Green; Taosug -Link, Ashley at Ashley, Copet; Tiruray -Post at Strohsahl, Schlegel, Wood, Thomas atbp; Visaya-Español -Alcazar, Medalle y Zaguirre; Visaya-English -Allin, Cohen atbp., Hall at Custodio, Maxfield, Kaufmann, Lynch, Rafferty, Jonkergouw at Mierhofer, Meiklejohn at Meiklejohn, Nelson; Yakan, Sherfan, Behrens.

May mga dayuhang iskolar din na nagklasipay sa mga wika sa Pilipinas tulad nina Conklin, Dyen, Thoma s at Healy, Chretien, McFarland, Pallesen, Reid, Walton, Zorc.

Next Page : Mga pag-aaral ng mga linggwistang Pilipino       
Previous Page                


Maintained by Mark Rubrico