title


Our Love Quotes in Cebuano DVD Now Available



Wikapinoy Online Learning
  • Bisaya
  • Chavacano
  • Tausug
  • Yakan
  • Chavacano



  • Reading Proficiency Test: Pagkakasindak sa Pakikisalamuha

    by Jessie Grace U. Rubrico


    Ang pagkakasindak sa pakikisalamuha, na kilala rin bilang social anxiety disorder, ay nagpapakita ng matinding pagkabalisa at lubos na pagbabantay sa sarili sa pang-araw-araw na sitwasyong sosyal. Taglay ng mga taong nasisindak sa pakikisalamuha ang paulit-ulit, malubha at walang-patid na takot na sila ay binabantayan at hinuhusgahan ng iba at natatakot na mapahiya o mapahamak ng kanilang sariling gawain. Maaaring lumalabis ang takot nila na nagiging sagabal na ito sa trabaho o sa pag aaral at sa ordinaryong mga gawain. Maaaring lumalabis ang takot nila na nagiging sagabal na ito sa trabaho o sa pag aaral at sa ordinaryong mga gawain. Habang nauunawaan ng karamihan ng mga taong nasisindak sa pakikisalamuha na ang kanilang takot na mapaligiran ng tao ay labis o walang kabuluhan, hindi nila ito masupil. Kadalasay umaabot ng ilang araw o linggo ang kanilang pag-aalala sa mga sitwasyong kinababahalaan.

    Ang sindak sa pakikisalamuha ay maaaring malimitahan sa isang uri ng sitwasyon lamang tulad ng sindak sa pagsasalita sa pormal o impormal na mga sitwasyon, o kaya'y sa pagkain, pag-inom o pagsulat sa harap ng ibang tao; o sa kaniyang pinakamalala na anyo, maaaring maging lubos na malawak na maaaring ang tao ay nakakaranas ng sintomas halos anumang oras na napapaligiran siya ng tao. Ang sindak sa pakikisalamuha ay nakakapanghina, at maaaring makapagpigil sa mga tao na pumunta sa trabaho o paaralan sa ilang araw. Karamihan ng mga taong may ganitong sakit ay nahihirapang makipagkaibigan.

    Kadalasang kasabay ang mga pisikal na sintomas sa lubhang pagkabalisa sa sindak ng pakikisalamuha at kabilang nito ang pamumula, matinding pagpapawis, panginginig, pagduduwal, at hirap sa pagsasalita. Kung ikaw ay dumadanas ng sindak sa pakikisalamuha, maaaring ikaw ay labis na mapahiya sa mga sintomas at makakaramdam na lahat ng tao ay nakatingin sa iyo. Maaaring ikaw ay matatakot na magkaroon ng ibang kasama bukod sa iyong pamilya.

    Ang mga taong may sindak sa pakikisalamuha ay nakakaalam na ang kanilang nararamdaman ay walang sapat na dahilan. Kahit na makayanan nilang harapin ang kanilang kinatatakutan, madalas nilang nararamdaman ang pagkabalisa bago nila gawin ito at nanatiling hindi mapakali habang ginagawa nila ito. Pagkatapos, maaaring manatili ang di kaaya-ayang pakiramdam, habang inaalala nila kung paano sila hinusgahan o kung ano ang inisip o nakita ng ibang tao tungkol sa kanila.

    Humigit-kumulang 5.3 milyong Amerikanong nasa sapat na gulang ang naaapektohan ng sindak sa pakikisalamuha. Ang mga babae at lalake ay parehong matatablan ng sindak sa pakikisalamuha. Ang sakit ay kadalasang nagsisimula sa pagkabata o sa pagdadalaga o pagbibinata, at may ebidensyang may kinalaman dito ang genetic factors. Kadalasang sinasabayan ang sindak sa pakikisalamuha ng ibang sakit sa pagkabalisa o depresyon. Ang pag-aabuso ng droga o pagiging dependent ay maaaring mangyari sa mga taong nagtatangkang gamutin sa sariling pamamaraan ang kanilang sindak sa pakikisalamuha sa pamamagitan ng pag inom o paggamit ng droga. Nabibigyang lunas ang takot sa pakikisalamuha sa pamamagitan ng maingat na pagpapatupad sa naaayong psychotherapy o sa mga gamot.

    Ang sindak sa pakikisalamuha ay lubhang nakakasira sa normal na buhay, nakakasagabal sa pag-aaral, trabaho o mga pakikitungong sosyal. Ang pag-alala sa isang nakakatakot na pangyayari ay maaaring magsimula ilang linggo bago ito magaganap at maaaring makapanghina.

    Back to : Lessons Page       

    Mainted by Mryoso
    >