Ang problema ng pagkabalisa ay seryosong sakit-medikal na nakakaapekto ng humigit-kumilang 19 milyong Amerikanong nasa sapat na gulang. Ang mga sakit na ito ay nagdudulot ng matinding pagkabalisa at takot sa buhay ng tao. Hindi gaya ng mas mahina at mas maikling pagkabalisa na nararamdaman kapag may nakakakabang pangyayari tulad ng isang presentasyong pangnegosyo o unang deyt, ang problema ng pagkabalisa ay hindi nawawala, walang tigil at maaaring lumala habang lumalaon kapag hindi nagamot. Mayroong mabisang mga lunas para sa problema ng pagkabalisa at ang mga pananaliksik ay nagpalabas ng bago at mas mainam na mga paraan sa paggamot na makatutulong sa karamihan ng mga taong may problema ng pagkabalisa na magkaroon ng produktibo at ganap na buhay. Kung sa tingin mo ay mayroon kang problema sa pagkabalisa, dapat kang maghanap ng impormasyon at lunas para dito.
Ang bawat problema ng pagkabalisa ay may kanya-kanyang katangian, ngunit sila ay binubuklod ng temang labis at walang dahilang takot at pangamba.
Introduction
PAGBIBIGAY LUNAS SA MGA SAKIT NG PAGKABALISA
Ang epektibong mga lunas para sa bawat sakit ng pagkabalisa ay naisulong na sa pamamagitan ng pananaliksik. Sa pangkalahatan, may dalawang klaseng lunas na maaaring gamitin para sa sakit ng pagkabalisa—gamot at partikular na uri ng psychotherapy (minsan kilala bilang "talk therapy"). Ang dalawang paraan ay maaaring maging epektibo sa karamihan ng mga sakit. Ang pagpili ng isa sa dalawa, o sa dalawa, ay nakasalalay sa kagustuhan ng pasyente at ng duktor at pati na rin sa partikular na sakit ng pagkabalisa. Halimbawa, psychotherapy lamang ang nakitang epektibong lunas para sa partikular na mga phobia. Sa pagpili ng therapist, dapat mong malaman kung maaari kang makakuha ng mga gamot kung kinakailangan.
Bago sisimulan ang paggamot, kailangang magsasagawa ang duktor ng maingat ng ebalwasyong diagnostic upang malaman kung ang mga sintomas mo ay dahil sa sakit ng pagkabalisa, kung alin sa mga sakit ng pagkabalisa ang nakaapekto sa iyo, at kung ano pang kasamang kondisyon ang makikita. Hindi pare-pareho ang paraan sa paggamot ng mga sakit sa pagkabalisa at mahalagang malaman ang partikular na problema bago pa simulan ang paraan ng paggamot. Minsan, ang pagkalulong sa alak o ang ibang kaalinsabay na kondisyon ay magakakaroon ng epekto at kinakailangang gamutin itong kasabay o bago gagamutin ang sakit ng pagkabalisa.
Kung ikaw ay dati nang ginamot dahil sa sakit ng pagkabalisa, humandang sabihin sa duktor kung anong paraan ng paggamot ang nasubukan mo na. Kung ito ay gamot, ano ang naging dosis, ito bay dahan-dahang tinaasan, at gaano katagal mo ito ininom? Kung ikaw ay nagkaroon ng psychotherapy, anong klase ito, gaano kadalas ka pumunta sa mga sesyon? Madalas nangyayari na naniniwala ang mga tao na “nabigo” sila paghanap ng lunas, o sila ay binigo ng lunas, ngunit ang totoo ay hindi ito nabigyan ng sapat na pagsubok.
Kapag nagpapagamot ka sa sakit ng pagkabalisa, ikaw at ang iyong duktor o therapist ay gagalaw bilang isang kuponan. Sabay ninyong hahanapin ang paraang pinakaangkop sa iyo. Kapag hindi umubra ang isang paraan, malaki ang pag-asang gagana ang iba. At ang mga bagong paraan ng pagbigay lunas ay tuloy tuloy na ginagawa sa pamamagitan ng pananaliksik. Kaya huwag mawalan ng pag-asa.